konpesyons,repleksyons
kahapon nag timbang ako sa may mercury drug sa greenhills. ewan ko ba pero, bakit kaya naisipan ko pang mag timbang. laking gulat ko nung makita ko na bumigat ako. nung sabado lang ako huling nag-tsek. hindi na nga ako kakain ng potchi. last na siguro itong kinakain ko ngayon.
natanggap ang bespren/gerlpren ko sa bago niyang trabaho. sobrang saya ko para sa kanya. syempre, maililibri na niya ako parati dahil malaki ang sweldo niya. sa wakas bayad na rin mga utang namin... ay mali =)
sa tuwing mag c-cr ako nakikita ko si payat at si taba. ewan ko ba, pero nakaka-asiwa na talaga. para bang pareho kme ng oras juminggle. kung minsan pa, re-tats nang re-tats. todo ang harap sa salamin. ah ewan.
naisip ko hindi talaga ako bagay sa "tate". asa pa ako na kakayanin ko yung lammig dun. e yung ercon nga lang dito hindi ko na matagalan.
may tumawag nanaman kanina nag aalok ng kredit kard. sabi ko nga isang buwan akong bakasyon. ang ku-kulit.
gusto ko talaga bumili ng bisikleta. nung isang taon ko pa yun pinapangarap. hindi ko pa rin mabili hangang ngayon. ewan ko ba. kuripot ko talaga.
may nakita pala akong wampa gerl kanina nung lumabas ako. ang ganda, hehehe!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home